Share the Thought by Msgr. Andro
12 June 2023
 
Sabi ng mga nangungutang, "Lumapit ako sa 'yo dahil wala na akong ibang malapitan." Wala nang iba. Oo, wala nang ibang aasahan kundi ang Diyos. Ganyan ang paniniwala ng mga anawim. Kaya, para kay San Mateo, sila ay mapapalad. Sila'y mga aba na wala na ngang pag-asa kundi ang Diyos. Sa Panginoon lamang sila sumasandig at kumukuha ng lakas. Kaya naman, sila'y kakalingain at hindi pababayaan ng Diyos. Ganyan ang kanilang kapalaran.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN