Share the Thought by Msgr. Andro
13 June 2023
 
Paano na kung walang alat ang asin? Wala na itong silbi. Paano na kung may "tasteless Christians?" Hindi ito angkop sa pangalang Cristiano. Kapag ang isang Cristiano ay walang pananampalataya, wala siyang lasa. Hindi niya madadala kay Cristo ang kapwa-tao. Kapag ang isang Cristiano ay walang pag-ibig sa kapwa, siya rin ay asing walang lasa. Hindi niya matuturuan ang iba na magbahagi ng pagmamahal. Totoo pa rin ang kasabihan: Ang di mo taglay, di mo maibibigay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN