Share the Thought by Msgr. Andro
17 June 2023
 
Sa napakalinis na puso ni Maria ay magagawa niyang ingatan ang lahat. Ang mga naganap — simula nang magbalita sa kanya ang anghel hanggang sa isilang niya si Jesus, hanggang sa ang bata ay mawala at matagpuan sa templo — ay nagawa ni Maria na pagbulay-bulayan at ingatan sa kanyang kalinis-linisang puso. Iingatan rin niya sa kanyang puso ang ating mga kahilingan, mga adhikain at mithiin. Ang mga ito ay kanyang ilalapit sa kanyang Anak na si Jesus.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN