 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 19 June 2023 |
| |
|
|
Paano ba puputulin ang tanikala ng pagkagalit? Paano pupugnawin ang apoy ng alitan? Walang ibang kailangan kundi ang pag-ibig. Itinakda ang batas na "mata sa mata at ngipin sa ngipin" upang hindi lumabis ang pagganti. Gayunman ay hindi nito iniuutos na gumanti sa kapwa. Mas mainam pa ring maging mahinahon. Salubungin ng ngiti ang galit ng kapwa. Ang suntok at hagupit ay palitan ng yakap. Ganyan ang pupugnaw sa apoy. Ganyan ang lalagot sa tanikala. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|