 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 21 June 2023 |
| |
|
|
Huwag mong ibandila. Huwag mong "ipangalandakan." Tahimik ka lang. Ganyan ang kabanalang gusto ni Jesus. Ang tatsulok ng kabanalan -- panalangin, pag-aayuno at paglilimos -- ay hindi ginagawa upang ilantad sa madla at mapapurihan. Hindi kailangan ang papuri ng kapwa. Diyos na ang bahala sa kabanalang gjnagawa nang lihim. Huwag ipagyabang o ipagmalaki ang pagpapakabanal. Lahat iyan ay mawawalang-saysay. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|