Sa Isang Salita: 'Tadhana' ni Msgr. Noel
24 June 2023
 
Bago pa man tayo isilang, may pangarap na ang Diyos. Tinawag Niya tayo sa ating pangalan. May plano ang Lumikha. May layunin ang ating pag-iral.

Hindi nagkataon lang ang pagdatal natin sa mundo. Nakatadhanang ang lahat ay maging bahagi ng kasaysayan ng pagliligtas.

Ganito ang istorya ng pagsilang ni Juan Bautista. "Magiging ano kaya ang batang ito... Sapagkat malinaw na sumasakanya ang Panginoon?"

"God proposes, man disposes." Diyos ang nagpanukala, tayo ang gagawa. Bahagi tayo ng pangarap ng Diyos. May bahagi rin tayo sa kaganapan nito.

*Hunyo 24, 2023, Solemnidad ng Kapanganakan ni San Juan Bautista

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN