 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 01 July 2023 |
| |
|
|
Hindi karapat-dapat ngunit pinapaging-dapat. Alam ng kapitang Romano na hindi siya karapat-dapat na puntahan pa ni Jesus. Magsalita lamang ang Panginoon ay gagaling na ang kanyang alipin. Dahil sa kanyang kababaang-loob ay pinaging-dapat siya ni Jesus. Ipahayag din natin sa Panginoon na hindi tayo karapat-dapat sa kanyang pag-ibig at pagtatangi. Biyaya na kung tayo man ay paging-dapatin niya. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|