 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'C.O.S.T.' ni Msgr. Noel |
| 02 July 2023 |
| |
|
Ang maging isang alagad ni Hesus ay isang desisyong walang pasubali at alinlangan. Hindi sapat na sabihing "gusto ko." Ang dapat ay "kaya ko."
"Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito." Ipinapaalaala sa atin ng ebanghelyo ang c.o.s.t. of discipleship:
C-onstancy. Ang pagtalima ay hindi pana-panahon. Ito ay habang buhay na pag-aalay ng sarili. Walang part-time Christian. Dapat lahat ay handang ialay, kasama ang buong buhay, lakas, panahon. 24/7.
O-bedience. Ang tunay na pagsunod ay 'pakikinig.' Hindi pinipili ng alagad ang mga aral na gustong pakinggan at sundin.
S-acrifice. Handang talikdan ng isang Kristiyano ang lahat, pasanin ang krus araw-araw, para kamtin ang tunay na mahalaga sa buhay.
T-rust. Magtiwala tayo sa kaya Niyang gawin sa ating buhay, at hindi lamang sa kaya nating gawin sa ating ganang sarili.
Ganito ang buhay-Kristiyano. Sa sandaling magpasya tayo para kay Kristo, buong buhay - lahat ng resources at enerhiya na mayroon tayo - ay kaya nating ilaan para pangatawanan ang buhay na ating pinasok.
*Ikalabing tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|