Share the Thought by Msgr. Andro
03 July 2023
 
Madaling paniwalaan ang isang bagay na nangyari na. Mas mahirap maniwala kapag di mo pa nakikita. Ganoon ang paniniwala ng isang batang pinatatalon ng ama mula sa bintana ng nasusunog na bahay. Di niya nakikita ang kanyang ama dahil sa makapal na usok ngunit naniniwala siyang sasaluhin siya nito. Mapalad ang naniniwala kahit di nakikita. Iyon ang pahayag ni Jesus kay Tomas at sa ating lahat. Kahit di mo pa nasasaksihan, iyo nang paniwalaan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN