Share the Thought by Msgr. Andro
05 July 2023
 
Baboy lang ang katapat? Isipin mo, pinaalis si Jesus dahil lamang sa mga baboy. Nalunod ang mga ito nang bumulusok sa tubig matapos palipatin sa kanila ang masamang espiritu. Nalungkot naman ang mga tao dahil nawala ang kanilang kabuhayan. Pinakiusapan nilang umalis si Jesus dahil baka tuluyan na silang maghirap. Anila, di na baleng wala sa Jesus basta't may pagkakakitaan sila. 'Yan ang malungkot. Minahalaga pa ang mga baboy kaysa sa Panginoon.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN