 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 09 July 2023 |
| |
|
|
Mas magaan ang dalahin kapag dalawa ang nagpapasan. Sa Palestina ay dalawang hayop ang may dala ng isang pamatok [yoke] at dahil dito'y gumagaan ang pasanin. Sinabi ni Jesus, "maginhawang dalhin ang aking pamatok" dahil hindi tayo mag-isang nagpapasan ng mga pagsubok. Kaagapay natin ang Panginoon. Sinasamahan niya tayo. Tinutulungan tayo sa pagdadala ng mga ito. Wala nga tayong dapat ikabahala. Kasama si Jesus ay kakayanin natin ang lahat. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|