 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 11 July 2023 |
| |
|
|
Walang sinasayang na oras. Walang inaaksayang pagkakataon. Ganyan si Jesus sa salaysay ng ebanghelyo sa araw na ito. Nilibot niya ang mga bayan, nagturo, nangaral at nagpagaling ng mga may karamdaman. Mahalaga kay Jesus ang bawat sandali at ito, para sa kanya, ay pagkakataong gumawa ng mabuti. Sulitin natin ang bawat oras upang maging kapaki- pakinabang. Karunungan iyon. Sabi nga, "Nine-tenths of wisdom is being wise in time." |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|