 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 12 July 2023 |
| |
|
|
Batbat ng kahinaan ngunit tinawag pa rin ni Jesus. Ganyan ang labindalawang apostol na ipinakilala sa ebanghelyo ngayon. Hindi sila mga perpektong tao. Hindi sila sikat at mararangal. Gayunman ay pinili sila ng Panginoon. Huwag tayong matatakot kung tayo man ay mahihina at makasalanan. Sa walang hanggang kabutihan ng Diyos ay maaari pa rin tayong tawagin. Tama ang mga Heswita -- "sinners but called." |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|