 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 14 July 2023 |
| |
|
|
Walang makapangangaral nang mahusay kung hindi tutulungan ng Espiritung Banal. Sa tuwing ako ay naghahanda ng isusulat at sasabihin ay tumatawag muna ako sa Banal na Espiritu. Ramdam kong ako'y nililiwanagan at ginagabayan. Sa ebanghelyo ay tiniyak ni Jesus na tutulungan tayo ng Espiritu sa panahon ng pag-uusig. Siya ang magsasalita sa pamamagitan natin. Ano pa nga ba ang ating ikatatakot? |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|