 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 19 July 2023 |
| |
|
|
Bakit hindi sa mga matatalino ipinahahayag ang hiwaga ng kaharian? Bakit sa mga may loobing tulad ng sa bata? Maliwanag ang dahilan. Dalisay ang kanilang puso. Walang galit. Walang yabang. Malinis at pwede pang pagsidlan. Ang matatalino ay maraming karunungang siyang nagiging tukso upang maging palalo. Puno na ang kanilang puso at wala nang puwang. Tumulad tayo sa mga bata. Magpapahayag sa atin ang Diyos. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|