Sa Isang Salita: 'Sinugo' ni Msgr. Noel
22 July 2023
 
Bagama't walang nakasaksi sa aktuwal na pagbangon ni Kristo mula sa kamatayan, maraming istorya naman ng pagpapakita Niya sa kanyang mga alagad pagkatapos ng muling pagkabuhay.

Subalit hindi sa istorya ng pagpapakita natapos ang ebanghelyo. Nasundan ito ng pagpapahayag ng mga saksi. Taglay ni Maria Magdalena ang natatanging biyaya na maging “apostol ng pagkabuhay.”

Kaakibat ng espesyal na pribilehiyo na makita ang Kristong Nabuhay ay ang obligasyong ipakilala siya sa iba. "Resurrection means mission," ani Papa Benedicto"

Hindi man natin nakita si Hesus, ipinaranas naman niya sa atin ang kanyang presensya sa ating mumunting 'muling pagkabuhay.' Ito ay ang mga sandaling tayo'y bumabangon mula sa mga pinagdaanang krisis sa buhay tungo sa mas malalim na pananalig.

Lahat tayo ay sinusugo para magbigay saksi sa Pagkabuhay ng Panginoon. Sa mga sandali ng dilim, kalamidad at kawalang pag-asa, si Kristo ay buháy at kumikilos sa ating karanasan araw araw.

*Hulyo 22, 2020, Kapistahan ni Santa Maria Magdalena

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN