 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 24 July 2023 |
| |
|
|
Makahulugan ang salitang "tanda." Maaari itong isalin sa Ingles bilang "sign" o "old age" o "memory." Dapat kapag tumatanda na ay hindi na humihingi ng tanda sa Diyos. Dapat ay tinatandaan ang kanyang mabubuting ginawa sa atin. Sa ebanghelyo ay hiningan si Jesus ng tanda. Binanggit niya sina Jonas at Soloman. Higit pa ang Panginoon sa dalawang ito. Siya ang dapat pakinggan. Tandaan natin na hanggang sa ating pagtanda, si Jesus ay ang tanda na may Diyos na nagmamahal. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|