 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Mainam' ni Msgr. Noel |
| 29 July 2023 |
| |
|
Mahirap sa tao ang laging "busy" at "on the go." Nawawalan ng tamang pananaw. Nagiging 'maisip.' At sa paglaon, ang trabaho ay nagiging pabigat. Agad napapagod sa konting gawa at nagiging mareklamo.
Tulad din tayo ni Marta. Laging abala sa gawain. Walang panahon para makinig. Kailangan din natin ang pananahimik at pananalangin. Ang taong nakaugat sa Diyos ay hindi basta nababagabag ng mga alalahanin sa buhay. Sa pagdarasal, nagkakaroon tayo ng maka-Diyos na pananaw. Nagagawa nating umangat sa mga pagkabalisa sa mga bagay ng daigdig.
Sa bawat Marta, kailangan natin si Maria. Sa bawat gawain, dapat may kalakip na panalangin. Sa ating paggawa para sa Diyos, huwag nating kalimutan ang Diyos ng paggawa.
*Hulyo 29, 2023| Kapistahan ni Santa Marta |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|