Sa Isang Salita: 'Mahalaga' ni Msgr. Noel
30 July 2023
 
Lumilitaw ang totoo sa atin sa mga sandali ng kagipitan. Kung paanong ang ginto ay sinusubok sa apoy, nahahayag naman ang karakter ng isang tao sa panahon ng krisis.

Ani Papa Francisco noong kaigtingan ng pandemya, ito ay isang natatanging panahon para piliin ang tunay na mahalaga sa ating buhay. It was "a time to choose what matters and what passes away, a time to separate what is necessary from what is not."

Sa ebanghelyo, ipinaaalaala sa atin na piliin ang pagpapahalaga ng ebanghelyo. Tulad ng mamahaling perlas, ang Kaharian ng Diyos ay walang katumbas na halaga sa lupa. Dapat handa tayong iwan ang lahat para makamit ito.

Ang panahon ng pagsubok at kagipitan ay isang okasyon upang muling tuklasin ang mga pagpapahalagang nakakalimutan na ng tao - pagkalimot na nagdadala sa atin sa iba't ibang krisis sa ating lipunan.

Walang pinakaangkop na panahon kundi ngayon upang iwasto ang mga pagkakamaling ating nagawa sa ating kaugnayan sa Diyos, sa kapwa, sa inang kalikasan.

*Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN