 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 05 August 2023 |
| |
|
|
Nahihiya sa kapwa pero hindi nahihiya sa Diyos. Ganyan si Haring Herodes. Nakapangako siya sa harap ng mga tao. Nahiya siyang bawiin ang kanyang sumpa, kaya, labag man sa loob, ipinapatay niya si Juan Bautista. Hindi siya nahiya sa Diyos. Ganyan din tayo. Nahihiya sa kapwa, kaya nagsisinungaling. Hindi iniisip na mas kahiya-hiya sa Diyos ang hindi magsabi ng totoo. Marami pang kasalanang nagagawa dahil sa kahihiyan sa kapwa. Nakalimutan ang Diyos. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|