Share the Thought by Msgr. Andro
09 August 2023
 
Ang dasal ng palalo ay walang mararating. Ang panalangin ng mababang- loob ay may makakamit. Hindi natigatig ni nasiraan ng loob ang babaeng Cananea sa waring hindi pagpansin sa kanya ni Jesus. Buong kababaang-loob siyang nakiusap at nagtiyaga hanggang wakas. Hindi siya palalo upang mainsulto at sumuko. Nagbunga ang kanyang pagpapakababa. Alisin natin ang kapalaluan sa pagdarasal. Wala itong patutunguhan

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN