Share the Thought by Msgr. Andro
19 August 2023
 
"Masdan mo ang mga bata. Ang sagot iyong makikita," wika ng isang awit. Bakit itinangi ni Jesus ang mga bata? Bakit sinabi niyang sa mga katulad ng bata naghahari ang Diyos? Dalisay ang puso ng bata. Walang halong pagkukunwari. Lahat ay tinatanggap. Kung ganyan sana ang ating saloobin, kalulugdan tayo ng Panginoon. Hindi ipagkakait sa atin ang kanyang kaharian. Masdan nga natin ang mga bata. Ang aral ating makikita.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN