 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 29 August 2023 |
| |
|
|
Sino ang walang ulo? Lumalabas sa ebanghelyo na si Haring Herodes ang nawalan ng ulo bagamat si Juan Bautista ang pinugutan. Wala siyang tapang na bawiin ang kanyang pangako, kahit ito ay mangahulugan ng kamatayan ni Juan Bautista na kanyang hinahangaan. Takot siyang mapahiya sa harap ng mga panauhing nakarinig ng kanyang sumpa. Pwede rin tayong mawalan ng ulo kapag wala tayong prinsipyo sa buhay. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|