Sa Isang Salita: 'Integridad' ni Msgr. Noel
30 August 2023
 
"Our words should match our actions." Kung nais nating maging kapani-paniwala sa iba, dapat makita sa gawa ang ating ipinapahayag.

Mas mahalaga sa tao ang kanilang nakikita, kaysa sa naririnig. Mauunawaan nga nila ang kanilang naririnig; pero ang tutularan nila ay ang kanilang nakikita.

Tinuligsa ni Hesus ang uri ng 'kabanalan' ng mga eskriba at pariseo: hindi nila isinasabuhay ang kanilang ipinapangaral.

Sa iba't ibang pagkakataon, nahuhulog din tayo sa kasalanan ng mga eskriba at pariseo.

May tatlong sukatan ng integridad ang tao. Gaano nga ba tayo katotoo at tapat sa kapwa at sarili:

*Consistency. Hindi ba nagbabago ang ating ugali at asal kahit sino ang ating makaharap na tao?
*Choices. Sino ang higit na nakikinabang sa ating mga desisyon o pagpili, sarili o iba?
*Credit. Kinikilala ba natin ang ambag ng ibang tao sa ating mga tagumpay?

Tunay nga, ang buhay ng taong mabuti ay isang buhay na leksyon.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN