Sa Isang Salita: 'Bahagi' ni Msgr. Noel
08 September 2023
 
Ngayong Kapistahan ng Kapanganakan ng ating Mahal na Ina, ipinagdiriwang natin ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan ng pagliligtas.

Kabahagi. Si Maria ay matalik na kaugnay ni Hesus mula sa sabsaban hanggang sa Kalbaryo. Kabahagi siya sa ministeryo ng paglilingkod ni Hesus hanggang sa paghahain Niya ng buhay sa Krus.

May bahagi. Si Maria ay tumayâ ng kanyang 'Oo' sa plano ng Diyos. Dahil dito, may espesyal na bahagi siya sa kasaysayan ng kaligtasan bilang Ina ng Diyos.

Nagbabahagi. Higit pa sa anumang yaman, ibinahagi ni Maria ang kanyang buong sarili sa plano ng Ama.

Ang Mahal na Birhen ang huwaran ng Simbahang sinodal, kung saan, lahat ay:
- kabahagi at walang dapat maiwan. Iisang daan ang ating tinatahak. Kailangan ang pakikisangkot ng bawat isa.

- may bahagi: bawat isa ang may natatanging papel at tungkulin sa simbahan. Hindi posisyon, kundi misyon, ang mahalaga.

- nagbabahagi: bawat isa ay may kaloob na maaaring iambag sa pagtataguyod ng buhay at misyon ng Simbahan. Communio o bahaginan ang nagpapahayag ng kalikasan ng Simbahan.

*Setyembre 8, Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN