Share the Thought by Msgr. Andro
13 September 2023
 
Ito ang awit ng dukha, "Ikaw ang aking tanging yaman." Ang pagiging mapalad ng dukha ay ang kanyang pagsandig sa Diyos sa gitna ng kanyang kawalan. Tunay, ang "anawim" ay wala nang ibang inaasahan kundi ang Diyos. Kahit tayo ay dukhang-dukha, maaari tayong magkamit ng yaman ng pananampalataya kung kinikilala natin ang Diyos bilang yaman at sandigan. Sa ating kawalan, tiyak na tiyak na Diyos ang magpupuno sa atin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN