 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 16 September 2023 |
| |
|
|
Totoo nga naman -- Kung ano ang bukambibig ay siyang laman ng dibdib. Kung ano ang laman ng puso ay siyang pahayag ng labi. Kapag malinis ang kalooban, malinis ang salitang binibitiwan. Kapag mahalay ang puso, mahalay din ang salitang inuusal. Pagsikapan nating punuin ang puso ng pag-ibig. Tiyak na ang mamumutawi sa labi ay pagmamahal. Linisin natin ang kalooban. Ang pahayag nati'y tunay na dalisay. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|