Share the Thought by Msgr. Andro
19 September 2023
 
Hindi totoong namamatay ang pag-asa. Kapag kasama si Jesus ay palaging buhay ito. Kung iisipin ay wala nang aasahan ang balo sa ebanghelyo. Namatay na ang kanyang asawa. Ngayon naman ay namatay pa rin ang kanyang kaisa-isang anak. Samantalang lumalakad sa kawalang-pag-asa ay nasalubong si Jesus. Ang Panginoon ang bumuhay ng kanyang pag-sa kasabay ng pagbuhay sa kanyang anak. Sa piling ni Jesus ay buhay lagi ang pag-asa.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN