 |
|
|
Share the Thought by Msgr. Andro |
20 September 2023 |
|
|
"Di naman nyo ako mahal. Lagi na lang ako sinisisi. Lagi akong mali." Sagot ng ina, "Hindi totoo 'yan, anak. Nagkakamali ka." Sigaw ng anak, "Ayan, mali na naman ako." Wala ring lusutan sina Jesus at Juan Bautista. Kapag kumain at uminom ay matakaw at maglalasing. Kapag hindi naman ay inaalihan ng demonyo. Minsan wala tayong lusutan pero tuloy lang sa paggawa ng mabuti. Manatiling masugid kahit may balakid. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|