Sa Isang Salita: 'Pintas' ni Msgr. Noel
20 September 2023
 
Magkaiba ang puná at pulà. May mabuting maidudulot ang puná kung ang layunin nito ay ituwid ang pagkakamali. Sabi ni B. Häring: 'criticism as a virtue is constructive and tends towards the deepening of dialogue.'

Subalit ibang klase ang pulà. May masamang motibo sa likod ng pamimintas. Hinuhubaran nito ng reputasyon ng kapwa upang sirain ang kanyang kredibilidad.

Sa ebanghelyo, ginamit itong dahilan ng mga kababayan ni Hesus upang umiwas sa panawagan ng pagsisisi. Isinugo ng Diyos si Juan, at sinabi nilang inaalihan ito ng demonyo. Dumating si Hesus at kanilang sabi: matakaw siya at maglalasing. Madaling magtago sa likod ng pamimintas upang tanggihan ang sariling kahinaan. Dahil dito, nalampasan sila ng paggalaw ng biyaya ng Diyos sa kanilang buhay.

Higit na maraming paraan para makinig - kaysa dahilan para magbingi-bingihan - sa mensahe ng Diyos sa mga tanda ng panahon.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN