 |
|
|
Sa Isang Salita: 'Pagtalikod' ni Msgr. Noel |
21 September 2023 |
|
|
Sa lahat ng larangan ng buhay, ang pagbabago ay nagsisimula sa isip. Sabi ng scientist na si Thomas Kuhn: "almost every significant breakthrough in the field of scientific endeavor is first a break with old ways of thinking." Hindi tayo posibleng makausad sa bagong kamalayan kung patuloy na manghahawakan sa lumang kaisipan at gawi.
Nang tawagin ni Hesus si Levi (Mateo), radikal ang naganap na pagbabago sa kanyang buhay. Iniwan niya ang paningilan ng buwis - sagisag ng lumang gawi - upang yakapin ang buhay ng pagsunod kay Kristo.
Kailangan ang ganap na pagtalikod sa kinamihasnang buhay. Wala tayong aasahang bagong mangyayari bukas kung ang ginagawa natin ngayon ay katulad din lang ng ginagawa natin kahapon.
The key to genuine life transformation is through the renewing of the mind (Romans 12:2).
*Setyembre 21, Kapistahan ni San Mateo |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|