Sa Isang Salita: 'Galante' ni Msgr. Noel
22 September 2023
 
Hindi lahat ng galante ay dapat hangaan. Iba't ibang uri at antas ang pagkamapagbigay ng tao sa kapwa. May galante sa inuman, pero salat naman sa pagdamay. May galante sa barkada pero kuripot sa kapamilya. May 'bongga' sa handaan, pero tipid sa pagtulong sa simbahan.

"Money is a good servant but a bad master," sabi nga ni F. Bacon. Hawak lang natin ang salapi; hindi dapat tayo ang hawakan nito.

May pananagutan tayo sa paraan ng paggamit ng anumang yamang mayroon tayo. Ipinahiram lang (social mortgage) sa atin ang mga bagay sa daigdig para linangin at gamitin sa paglilingkod.

Saksi ang mahabang kasaysayan ng Simbahan sa dami ng tao na di nag-atubili sa pagsuporta sa misyon ng Simbahan. Maging noong panahon ni Hesus, maraming tumulong kay Hesus sa kanyang mga gawain. Bukod sa Labindalawa, kasama si Maria Magdalena, Juana, Susana at marami pang iba, na nag-alay ng tulong pinansyal sa kanyang ministeryo.

Tunay ngang katiwala lang tayo ng lahat ng pagpapala galing sa Diyos. Dapat galante tayo sa pagtataguyod ng misyon ni Kristo.

*Biyernes sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN