 |
|
|
Sa Isang Salita: 'Ugat' ni Msgr. Noel |
23 September 2023 |
|
|
"Rootless generation." Ito ang isa sa pagsasalarawan ni Henri Nouwen sa mga tao sa makabagong panahon.
Dahil sa kawalan ng ugat, hindi natin matagpuan ang tunay na kaligayahan sa buhay: marami kaalaman, subalit hungkag ang puso sa kahulugan. Sagana sa mga bagay, subalit salat sa paglingap at pagmamahal. Maraming pinagkakabalahan, pero ang tunay na mahalaga ang nakakaligtaan.
Sa Talinghaga ng Manghahasik, sinasabing may mga taong nakikinig ng Salita, subalit hindi ito nagbubunga dahil sa kawalan ng ugat.
"The modern world is unhappy because it does not touch eternity" (Peter Kreeft). Nilikha ang tao para mamuhay sa langit, kaya walang bagay sa lupa na maaaring pumuno sa kanyang puso.
Sa ating pagdanas ng kawalan, nawa'y kasabikan natin sa Diyos ang ating kaganapan. Walang pinipili ang Maghahasik sa pagtataniman ng binhi ng Salita. Nawa'y bigyan natin ito ng puwang sa ating puso upang lumago at mamunga nang sagana.
Mapalad ang taong namumuhay na nakaugat sa Diyos.
*Sabado sa Ikadalawampu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|