 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 24 September 2023 |
| |
|
|
Lampas pa sa katarungan. Ganyan ang pag-ibig ng Diyos. Sa talinhaga, ang mga nahuling gumawa ay tumanggap ng kaparehong sahod. Hindi naman nadaya ang mga nauna. May pinag-usapang sahod at iyon ay kanilang natanggap. Lubhang mapalad ang mga nahuli. Nagtamasa sila ng kagandahang-loob ng may-ari ng ubasan. Iba ang pamamaraan ng Diyos. May mas mataas pang antas kaysa katarungan. Iyon ay ang kanyang dakilang pag-ibig. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|