Sa Isang Salita: 'Kinig Kita' ni Msgr. Noel
01 October 2023
 
Kung nais nating maging kapani-paniwala sa iba, dapat makita sa gawa ang ating ipinapahayag. "Our words should match our actions."

Sa ebanghelyo, nagpahayag ng "Ayoko po" ang panganay na kapatid ngunit pagkaraan ng ilang panahon ay sumunod din. Samantala, "Opo" ang sagot ng bunso, pero hindi naman sumunod.

Our actions speak louder than what our words can tell. Higit na mahalaga sa tao ang kanilang 'nakikita,' kaysa sa kanilang 'naririnig.' Maaring mauunawaan ng iba ang kanilang naririnig; pero ang tutularan nila ay ang kanilang nakikita.

May tatlong sukatan ng integridad ang isang tao. Gaano nga ba tayo katotoo at tapat:

* Consistency. Hindi ba nagbabago ang ating ugali at asal kahit sino ang ating makaharap na tao?
* Choices. Sino ang higit na nakikinabang sa ating mga desisyon o pagpili, sarili o iba?
* Credit. Kinikilala ba natin ang ambag ng ibang tao sa ating mga tagumpay?

Sa taong may intregridad, higit na mahalaga ang pagkakaugnay ng salita at gawa. Sa ating mga binyagan, pagkakaugnay ng pananampalatata at buhay ang hinihingi ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Pinapangatawanan kaya natin ang pananampalatayang ating ipinapahayag? O mananatili tayong Kristiyano lamang sa papel at hindi sa katotohanan?

Sabi nga ni Ralph Waldo Emerson, "Your actions speak so loudly, I cannot hear what you are saying."

*Ikadalawampu't anim na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN