 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kawawa' ni Msgr. Noel |
| 06 October 2023 |
| |
|
Hindi Diyos ang nagpaparusa sa ating pagkakasala. Tayo ang nagpapataw nito sa ating sarili bunga ng ating pagtalikod sa Kanya. Sa bawat pagtanggi natin sa alok ng Diyos ng pagmamahal, tayo ang nagdadala ng kahatulan sa sarili.
Hindi kasalanan ng araw kung may taong namumuhay sa dilim kung siya mismo ang nagpasya na talikdan ang liwanag.
"Kawawa ka Corazin, kawawa ka Betsaida," babala ni Hesus sa mga bayang nakasaksi sa kanyang pangangaral at mga himala. Sa kabila ng mga pribilehiyong ito, hindi naantig ang kanilang puso para magbalik-loob at manalig.
Nakapanghihinayang ang biyayang nawawala dahil sa ating pagpapabaya. Subalit mas nakakatakot kung ang mawawala ay ang kakayahan nating marinig pa ang tinig ng Diyos dahil nasanay nang nakapinid ang ating puso sa tawag ng pagbabago.
Hayaan natin ang sarili na hatulan ng Salita, upang mapagpasyahan nating iwan ang lumang pamumuhay at tahakin ang daan tungo sa Diyos.
*Biyernes sa Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|