 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 10 October 2023 |
| |
|
|
Mas mahalaga ang presensya kaysa sa regalo. Gustong regalugan ni Marta si Jesus ng masasarap na pagkain, kaya, abala siya sa kusina. Mas pinahalagahan ng Panginoon ang presensya ni Maria na nakinig sa kanyang salita. Sa Banal na Misa, ang pinakamahalaga ay ang ating presensya. Handa tayong makinig kay Jesus at tumanggap sa kanya. Sa kapwa-tao, kahit wala tayong mairegalo. Sapat na ang ating magiliw na presensya. Walang katumbas iyon. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|