Share the Thought by Msgr. Andro
11 October 2023
 
Sakop ng panalanging "Ama namin" ang nagdaan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Humihingi tayo ng patawad sa nagdaang kasalanan. Humihingi tayo ng pagkain sa kasalukuyan at nakikiusap na iadya sa lahat ng masama sa hinaharap. Napakalawak, samakatuwid, ng panalanging itinuro ni Jesus. Ito ay pagtitiwala sa awa ng Diyos, pagsandig sa kanyang pagkamapagbigay at pagluhog sa kanyang pagkalinga.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN