Share the Thought by Msgr. Andro
13 October 2023
 
Tayo ba ay panig o laban kay Jesus? Wala namang magsasabi na siya ay laban sa Panginoon ngunit magandang magsuri ng ating buhay sa liwanag ng pahayag ni Jesus, "Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin." Kapag hindi tayo sumusunod sa utos ng Panginoon ay maliwanag na tayo ay hindi ayon sa kanya. Samakatuwid, tayo ay kalaban niya. Kapag tayo at tumangging magpatawad, laban tayo sa naisin ng Panginoong sagana sa habag. Kaydalas nating lumaban sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN