Share the Thought by Msgr. Andro
14 October 2023
 
Nagmamalaki ang ina kapag sikat ang kanyang anak. Sa ebanghelyo ay pinuri ng isang babae ang may "sinapupunang nagdala kay Jesus" na mismong si Maria. Iba ang tugon ni Jesus. Aniya, mas mapalad ang nakikinig ng salita ng Diyos at nagsasabuhay nito. Hindi pala dakila si Maria dahil siya ay ina ni Jesus kundi dahil isa siyang alagad. Masakit iyon. Kaya naman, maituturing iyong "balaraw" na tumarak sa puso ni Maria.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN