Share the Thought by Msgr. Andro
15 October 2023
 
Binigyan na ng damit ay hindi pa isinuot. Sa talinhaga, ang may pakasal na mismo ang nagkakaloob ng damit-pangkasalan. Kataka-takang may dumalong hindi nakasuot nito. Tulad din nating mga tao. Binigyan na ng grasya para maging banal ngunit ang pinipili pa rin ay kasalanan. Binigyan ng puso para magmahal sa kapwa ngunit pinairal pa rin ang pagkamakasarili. May biyaya para maging malinis ngunit naging mahalay pa rin. Sayang na pagkakataon!

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN