 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 16 October 2023 |
| |
|
|
Ano pa bang "tanda" ang ating hahanapin? Hindi ba't si Jesus mismo ay tanda ng pagmamahal ng Diyos Ama? Higit pa siya kina Jonas at Solomon. Siya ang buhay at kaligtasan nating lahat. Nag-uumapaw ang kanyang pagmamahal. Ang biyaya niya ay palaging bumubukal. Walang kapantay ang kanyang habag. Walang hangganan ang kanyang pagpapatawad. Huwag na tayong maghanap ng mga tanda. Sapat na ang tayo'y sumampalataya. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|