Sa Isang Salita: 'Mabuting Balita' ni Msgr. Noel
18 October 2023
 
Nang isugo ni Hesus ang Pitumpu't Dalawa para mangaral, pinagbilinan Niya silang huwag magdala ng anuman. Kung mayroon man silang dapat dalhin, ito ay ang Mabuting Balita, na kongkretong nababanaag sa kanilang buhay.

Bilang mga binyagan, sinusugo tayong parang mga maamong tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat. Bakit? Sapagkat ang pagpapahalaga ng lipunan ngayon ay taliwas sa diwa ng ebanghelyo. Sa harap ng hamon ng lipunang kapos sa pananalig, ang pagsaksi sa aral ni Kristo ang tanging 'credential' na maaari nating panghawakan.

Ito ang misyon nating mga Kristiyano sa ating panahon. "The best criticism of the bad is the practice of the better" (Richard Rohr). Kapag ang kasamaan ay malalantad sa liwanag, ito ay unti-unting mapaparam at mamamatay.

Tulad ni San Lukas, tinatawag tayong mangaral ng - at maging - Mabuting Balita sa ating pamayanan.

*Oktubre 18, Kapistahan ni San Lukas, Ebanghelista

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN