Sa Isang Salita: 'Hiram' ni Msgr. Noel
25 October 2023
 
Mahirap magpahiram ng gamit o pera. May panganib na di na ito maibalik o mabayaran. Malimit ay tiwala lamang ang ating pinanghahawakan.

Sa ebanghelyo, ipinaalaala sa atin na ang lahat ng mayroon tayo ay hiram lamang. Kapag may namamatay, sinasabi nating 'binawi na ang hiram na buhay.' Sa pagdating ng takdang oras, magbibigay-sulit tayo sa Diyos. Paano tayo naging tapat na lingkod at katiwala sa buhay na hiram?

Ang tagumpay sa negosyo ay nakikita sa pagkakamal ng yaman, subalit ang mabungang buhay ay nasusukat sa kahandaang magbahagi at magbigay. "We make a living by what we get, but we make a life by what we give."

"Carpe diem." Seize the day. Bawat sandali ay dapat pagyamanin at gamitin nang mahusay. Ito ang tanging paraan para magkapasalamat sa Diyos na siyang pinagmulan at May-ari ng lahat.

*Miyerkules sa Ikadalawampu't siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN