 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Banal' ni Msgr. Noel |
| 01 November 2023 |
| |
|
Noong una, ang kabanalan ay paglayo sa mundo. "Holiness means separation." Ang mga taong banal ay dapat mabuhay nang hiwalay sa mga 'di-banal.'
Ngunit ngayon, mayroon tayong kakaibang pananaw at panawagan. Hindi natin matatagpuan ang Diyos sa iisa lamang lugar sapagkat Siya ay sumasa-lahat ng lugar. Ang maging banal sa ating panahon ay ang magsabuhay ng ebanghelyo sa gitna ng kaabalahan ng mundo. Anang isang teologo: "outside the world, there is no salvation." The world is the modern man's arena to be holy. Ang daigdig ang pinakaangkop na lugar kung saan tayo tinatawag na maging banal.
Bahagi ng isang tula ay ganito ang nilalaman:
"We need saints without veil or cassock. We need saints who wear jeans and sneakers. We need saints who go to the movies, listen to music and hang out with friends.
We need modern saints, Saints of the 21st century with a spirituality that is part of our time. We need saints committed to the poor and the necessary social changes.
We need saints who live in the world and who are sanctified in the world, who are not afraid to live in the world."
To be holy amidst secularity. Ito ang ating bokasyon. Iisa ang panawagan ng Diyos sa lahat ng tao: ang maging banal sa iba't ibang paraan at larangan ng pamumuhay.
Ang kabanalan ang pinakamabisang tanda ng credibilidad ng Simbahan sa ating panahon.
*Nobyembre 1, 2023, Kapistahan ng Lahat ng mga Banal |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|