Share the Thought by Msgr. Andro
05 November 2023
 
Isang santo ang nagsabi, "Mangaral ka. Kung kinakailangan, gamitan mo ng salita." Maigting ang halimbawa bilang sangkap ng pangangaral. Sa ebanghelyo ay ipinaalaala ni Jesus na huwag tumulad sa mga eskriba at mga Pariseo. Nangangaral sila subalit hindi nagsasabuhay ng kanilang ipinangangaral. Pawang pakitang-tao lamang ang kanilang ginagawa. Wala nga namang saysay kung hindi lalakipan ng pagsasabuhay ang pangangaral.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN