Share the Thought by Msgr. Andro
07 November 2023
 
Sinu-sino kaya ang kasama sa ating 'guest list' kapag naghahanda tayo ng isang piging? Tiyak na kabilang sa listahan ang nasa ating 'circle of friends.' At malamang, exclusive ito sa mga kamag-anak at kaibigan, sa mga kakilala at kauri.

Sa Talinghaga ni Hesus, binago niya ang hanay ng mga panauhin. Lahat ay kasama sa listahan. Walang itinatangi. Imbitado niya maging ang mga bulag, pilay at pulubi sa lansangan.
Ito ang kahulugan ng misyon ni Hesus. Hindi lang ang mga karapat-dapat ang inaanyayahan; sa halip, ang mga inaanyayahan ay kanyang pinapagindapat. "For Jesus, welcome and respect come first, then conversion follows." (J. Martin)

Minahal tayo ng Diyos hindi dahil sa ating kabanalan, kundi minahal na niya tayo kahit tayo'y makasalanan.

Tuwing dumadalo tayo sa piging ng Banal na Misa, alalahanin natin ang sinabi ni Papa Francisco: "Eucharist is not a prize for the perfect but a powerful medicine and nourishment for the weak."

*Martes sa Ikatatlumpu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN