 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'C.O.S.T.' ni Msgr. Noel |
| 08 November 2023 |
| |
|
Ang maging isang alagad ni Hesus ay isang desisyong walang pasubali at alinlangan. Hindi sapat na sabihing "gusto ko." Ang dapat ay "kaya ko."
Walang part-time Christian. Sa isang 'committed Christian,' lahat ay handang ialay, kasama ang buong buhay, lakas, panahon - 24/7.
Inihalintulad ito ng ebanghelyo sa isang tao na may balak magpatayo ng tore. Dapat napag-isipan niyang mabuti at natantya kung magkakasya ang kanyang 'resources' para maipatapos ito. Sa sandaling pagpasyahan niyang sumunod kay Hesus, kakayahin niyang suungin ang hamon ng pag-aalagad.
Sabi nga, "we must be willing to 'pay the COST' of discipleship."
C-onstancy. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ay hindi pana-panahon. Ito ay habang buhay na pag-aalay ng sarili.
O-bedience. Ang tunay na pagsunod ay 'pakikinig.' Hindi pinipili ng alagad ang mga aral na gustong pakinggan at sundin.
S-acrifice. Handang talikdan ng isang Kristiyano ang lahat, pasanin ang krus araw-araw, para kamtin ang tunay na mahalaga sa buhay.
T-rust. Mahalaga ang tiwala sa kayang gawin ng Diyos sa ating buhay, at hindi lamang sa kaya nating gawin sa ating ganang sarili.
Ganito ang buhay-Kristiyano. Sa sandaling magpasya tayo para kay Kristo, buong buhay - lahat ng resources at enerhiya na mayroon tayo - ay kaya nating ilaan para pangatawanan ang buhay na ating pinasok. Bigay-todo... hanggang 'finish line.'
*Miyerkules sa Ikatatlumpu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|