 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 09 November 2023 |
| |
|
|
Dalawa ang pakahulugan sa Simbahan. Una, ito ay kalipunan ng mga tao o ng sambayanang natitipon upang sumamba. Ikalawa , ito ay tumutukoy din sa lugar o sa gusali kung saan ginagawa ang pagtitipon. "Kabanalan" ang tatak ng Simbahan. Hindi ito lugar ng dayaan o nakawan tulad sa salaysay ng ebanghelyo. Walang puwang ang kasamaan at pagkakasala sa Simbahan, ni sa gusaling pinagtitipunan, ni sa mga taong nagtitipon. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|