Share the Thought by Msgr. Andro
18 November 2023
 
"Banal" na kakulitan. Ganyan ang kailangan sa panalangin. Ganyan ang ipinakita ng babaeng balo sa ebanghelyo. "Kinulit" niya ang hukom hanggang sa siya ay pakinggan. Puno ng tiyaga ang kanyang kakulitan. Puspos din ng pag-asa. May dalisay na hangarin ang balo. May matiyagang pagsisikap. Kaya maituturing na "banal" ang kanyang pagpupumilit. Karapat-dapat na tularan ng sinumang nananalangin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN